Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kauna-unahang pagkakataon ang resulta ng Provincial Product Accounts (PPA) sa 16 pilot regions sa labas ng Metro Manila.
Kung saan saklaw nito ang 82 provinces at 17 highly urbanized cities mula November hanggang December 2023.
Ang PPA ay mekanismo para sa pagkalap ng Gross Domestic Product (GDP) sa subnational level.
Ang special release na ito ay nagtatampok sa economic performance ng lahat ng lalawigan at syudad, partikular na ang per capita mula sa Gross Domestic Product (GDP), na kanilang kontribusyon sa kabuuang ekonomiya ng bansa.
Nabatid na halos lahat ng probinsya ay nakitaan ng paglago mula sa data noong 2022, kung saan ang Aklan ang may pinakamabilis na pag-angat na nasa 21.5 percent.
Ang Metro Manila ay hindi na isinama sa record, dahil hiwalay na pilot implementation ang idaraos sa nasabing rehiyon ngayong 2024.