-- Advertisements --
Baguio Tourist
Baguio tourism / FB image

Pinapayagan na ng Lungsod ng Baguio ang pagpasok ng mga “fully vaccinated” tourists.

Ayon sa Baguio Tourism office, nararapat lamang na ipakita ng mga turista ang kanilang vaccination cards o certificates na siyang magiging alternatibong ipapakita bukod sa negative COVID-19 test results.

Nararapat lamang aniya na magrehistro muna ang mga ito sa visita.baguio.gov.ph para makakuha ng QR coded Tourist Pass at sasailalim sa mandatory triage pagdating sa lungsod.

Papayagan lamang ngayon ay ang mga manggagaling sa General Community Quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).