-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binabalak ni Mayor Benjamin Magalong na gawing “Smart City” ang lungsod ng Baguio.

Ayon sa alkalde, makakamit ang “Smart City System” sa pamamagitan ng mga plataporma na magbabantay sa kapaligiran, mga video analytics, lighting system at iba pang paraan.

Aniya, magagamit din ang P200-milyong inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mas mapabilis ang pagsasagawa sa plano.

Sinabi pa ni Magalong na kapag nagtagumpay ang plano ay ang Baguio City ang kauna-unahang lunsod sa bansa na matatawag bilang “Smart City.”

Sa ngayon ay kilala na ang Baguio City bilang “Summer Capital of the Philippines,” “City of Pines,” at “Creative City.”