-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Tumatanggap na ang Baguio City ng 1,000 turista sa bawat araw.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, nabuksan na ang Baguio City sa iba pang rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Inihayag niyang naitaas na sa 1,000 kada araw ang papahintulutang tourist arrivals sa Baguio City.
Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na mayroon ng tatlong bus companies na pinahintulutang maghatid ng pasahero sa Baguio City mula National Capital Region, Region 3 at Region 1.
Sinabi ni Magalong papahintulutang pumasok sa City of Pines ang 200 hanggang 250 pasaheros ngunit kailangang sumunod ang mga ito sa mga alituntunin.