-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakahanda na ang Baguio City para sa tatlong araw na North Luzon mini-travel fair na magsisimula ngayong araw ng Martes na isasagawa sa Baguio Convention Center.

Ayon kay Supervising City Tourism Operations Officer Engr. Aloysius Mapalo, papangunahan at magsisilbing special guest si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa pormal na paglunsad ng Ridge and Reef Baguio-Ilocos Tours.

Layunin nito na unti-unting maingat sa ligtas na pagbubukas ng local tourism industry.

Bahagi aniya ito ng overall plan na pagbuhay muli sa ekonomiya ng Northern Luzon.

Kasabay ng mini-travel fair na magtatapos sa Biyernes, ay ang paglulunsad din ng Baguio Visitors Information and Travel Assistance o VISITA.

Ito ang online registration platform ng Baguio City para sa mga magpaparehistrong interested visitors mula Region I.

Dito din ia-upload ng mga ito ang kanilang itinerary of travel, test results, travel authority at pre-bookings sa mga accredited accommodation establishments bago sila magtungo ng Baguio.

Binuksan na rin ng mga tourism industry stakeholders mula Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte, ang kanilang booths sa Baguio Convention Center para i-promote ang kanilang mga tourist spots na target sa mga prospective visitors mula sa Baguio-Ilocos tourism corridor.

Sinabi ni Mapalo na nakatakda ring buksan ng Ilocos Norte ang kanilang local tourism industry sa darating na October 1, habang ang La Union ay sa October 10.

Gayunman, nilinaw nito na hindi muna mapapayagang pumasok ng Baguio ang mga turista dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus sa lungsod sa mga nakalipas na arw.

Paliwanag naman ni City Mayor Benjamin Magalong, hindi pa handa ang sistema ng ibang mga lalawigan sa Region 1 pero tiniyak niya na sa susunod na linggo ay papagayan na ang pagpasok sa Baguio ng mga turista galing Region 1.