-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naglaan ng isang milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Baguio City para sa mga biktima ng bulkang Taal.
Nagmula ang nasabing halaga sa 30 porsiyentong pondo ng city disaster quick response para sa financial assistance o relief fund para sa mga biktima biktima ng pagsabog ng bulkan.
Ang nailaang pondo ay pinaghatian ng lalawigan ng Batangas at Cavite na silang deriktang naapektuhan sa naturang kalamidad.
Aabot sa 16,000 pamilya ang matutulongan lalo na ang nga temporaryong nakatira sa 300 evacuation centers.
Samantala, naniniwala pa rin ang mga biktima na babalik sa normal ang kanilang pamumuhay matapos ang lagpas dalawang linggong nararanasang epekto ng Bulkang Taal.