-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Bubuksan muli sa publiko ang Baguio Museum kapag natapos na ang rehabilitasyon nito sa Hulyo 4, 2019.
Ipagdiriwang din sa nasabing araw ang Filipino-American Friendship Day.
Nabatid na aabot sa P6.5 million ang nakalaang pondo para sa rehabilitasyon ng pasilidad.
Nanggaling ang pondo sa US Ambassador fund para na rin sa pagpreserba sa kultura ng Cordillera Administrative Region.
Matutunghayan sa Museum ang iba’t-ibang pagkakakilanlan ng Baguio City at iba pang lugar sa Cordillera.