KORONADAL CITY – Isinailalim na state of calamity ang bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat dahil sa pinsalang dulot ng malawakang pagbaha sa tatlong barangay.
Ito ang inihayag ni Bagumbayan Mayor Jonalette De Pedro sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayo kay De Pedro, lubos na naapektuhan ng flash flood ang Barangay Daguma, Kapaya at Bual sa kanilang bayan.
Higit 1000 pamilya ang apektado kung saan halos 70 bahay ang totally damaged at nasa higit 60 ektarya ng taniman ang sinira ng baha.
Aminado ang alkalde na ikinagulat din nila ang lampas tao na tubig baha na tumama sa nabanggit na mga barangay.
Ipinaliwanag din nito na aalalim pa nila kung saan nanggaling ang mga putol na puno ng kahoy na dala ng malakas na tubig-baha at tumama sa mga nasirang bahay.
Natapos na rin umano ang clearing operation sa mga nakhambalang mga puno ng kahoy, basura at putik sa daan ngunit hindi pa nasisimulan na ayusina ng mga kabahayan.
Sa katunayan may mga palayan pa na lubog pa rin sa baha kaya’t pahirapan pa rin ang damage assessment ng Municipal Agricultures Office.