-- Advertisements --
Naging ganap nang bagyo ang isa sa low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Pagasa, maaaring sa susunod na linggo pa ito makakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagong bagyo sa layong 2,375 km sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.
Maliban dito, isa pang LPA ang papalapit din sa kalupaan ng Mindanao.
Natukoy ang sentro nito sa layong 605 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa ngayon, ramdam na ang ulang dala nito sa Caraga region at mga karatig na lugar.