-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ukol sa paparating na bagyong “Kammuri” na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kasabay ng pagbubukas ng SEA Games 2019 sa weekend.

Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, bibigyan ito ng local name na “Tisoy” kapag nasa loob na ng PAR.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,950 kilometro sa silangan ng Visayas.

Sa kasalukuyan ay nasa tropical storm category na ito, kung saan may dalang hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 35 kph, habang tinutumbok ang Southern Luzon.