-- Advertisements --
Nag-iwan ng dalawang katao na patay, apat na nawawala at mahigit 100 ang sugatan sa bagyong nanalasa sa Kyushu, Japan.
Inilikas din ang nasa 23,000 na katao sa 11 prefecture dahil sa lakas ng hangin at pag-ulan na dala ng bagyo.
Bagamat patungo ng Korean Peninsula ang bagyo ay nagbabala pa rin ang Japan Meteorological Agency na magdudulot pa rin ng matinding pag-ulan ang nasabing bagyo.
Inaasahan din na magbabalik ngayong araw ang operasyon ng mga train at ilang mga negosyo.