-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Pagasa na wala pang epekto sa Pilipinas ang bagyong papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, maaaring sa kalagitnaan pa ng linggong ito pumasok sa karagatang sakop ng bansa ang nasabing sama ng panahon.

Ang paparating na bagyo ay may international name na “Hagibis” at bibigyal ng local name na “Perla” kapag pumasok sa PAR.

Huli itong namataan sa layong mahigit 3,000 km sa silangan ng Luzon.

May lakas itong 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 30 kph.