-- Advertisements --
Maagang nagbabala ang Pagasa ng pagbaha at landslide sa Visayas at Mindanao dahil sa inaasahang pagpasok ng bagyong nasa silangan ng Pilipinas.
Bukas, inaasahan itong nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) at magdadala ng ulan sa katimugang bahagi ng bansa sa darating na weekend.
Tatawagin itong bagyong Dodong na siyang ika-apat na sama ng panahon para sa taong 2019.
Samantala, patuloy namang magdadala ng madalas na pag-ulan at makulimlim na panahon sa Luzon ang dalawang low pressure area (LPA) na nasa 195 km timog kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at 335 km silangan ng Aparri, Cagayan.