-- Advertisements --
Nilinaw ng Pagasa na hindi tatama sa lupa ang tropical depression Quiel na nasa West Philippine Sea.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 540 km sa kanluran timog kanluran ng Iba, Zambales.
Kumikilos ito nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 10 kph.
May taglay itong lakas na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Maaari umano itong magdala ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon, dahil sa nahahatak na ulap mula sa karagatan.