-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Leon ang kaniyang lakas habang binabagtas ang karagatan ng bansa.

Ayon sa PAGASA, na kita ang sentro ng bagyo sa may 705 kilometers ng Silangan ng Echague, Isabela.

May taglay ito ng lakas ng hangin ng hanggang 100kph at pagbugso ng hanggang 125kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa mga sumusunod na lugar: Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao,; Bakun, Kibungan, Atok, Bokod, Mankayan, Buguias, Kabayan sa Benguet , Ilocos Norte, Ilocos Sur, Aurora,kabilang ang Polillo Islands General Nakar, Infanta, Real sa Quezon, Camarines Norte, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay sa Camarines Sur, Catanduanes, Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito sa Albay, Prieto Diaz, City of Sorsogon at Gubat sa Sorsogon.

Habang sa bahagi naman ng Visayas ay :San Roque, Pambujan, Catubig, Laoang, Palapag, Gamay, Lapinig, Mapanas, Mondragon sa Samar at Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo sa bahagi ng Eastern Samar.

Hindi naman inaasahan na maglalandfall pa ang bagyo at tinatahak nito ang Taiwan sa araw ng Miyerkules.