Patuloy na kumikilos patungo sa kanlurang direksyon ang Tropical Storm Agaton habang itinaas na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Biliran, Eastern Samar, Southern Samar, Northeastern Leyte at Nothern Dinagat Islands.
Base sa storm advisory ng state weather bureau kaninang alas-5:00 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo kaninang alas-4:00 ng hapon sa coastal waters ng Lawaan, Eastern Samar na kumikilos pakanluran.
Nabatid na ang Tropical Storm Agaton ay mayroong maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at may pagbugso na aabot ng hanggang 105 kilometer per hour, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 35 kilometers per hour.
Nagbabala ang Pagasa sa moderate hanggang intense na mga pag-ulan sa Masbate, Sorsogon, Eastern Visayas, Cebu, Bohol at Dinagat Islands.
Samantala, makakaranas naman ng light to meoderate na minsan ay malakas na pag-ulan sa Albay, Catanduanes, Romblon, Siargao del Norte, Agusan del Norte, Northern Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas.