-- Advertisements --

Kinumpirma ng state weather bureau Pagasa, na mas maraming lugar ang inilagay sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 habang napanatili ng Tropical Storm Aghon ang lakas nito.

Sa kanilang 8 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na matatagpuan ang Aghon sa vicinity ng bayan ng Dolores sa Quezon, taglay ang maximum sustained winds na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h.

Sinusundan nito ang isang hilagang-kanlurang landas at kumikilos sa bilis na 15 km/h.

Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ay itinaas sa mga sumusunod na lugar, kung saan aabot sa 88 km/h na hangin ay maaaring asahan sa loob ng hindi bababa sa 24 na oras.

Northern at central portions of Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta, Sampaloc, Pagbilao, Calauag , Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio) kasama ang Polillo Islands

  • Laguna
  • Silangang bahagi ng Rizal (Jala-Jala, Pililla, Tanay)
  • Eastern portion of Batangas (City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo