Tuluyan ng tinanggal o na-decommission ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangalang “Aghon” sa mga listahan ng gma bagyo sa bansa.
Kasunod ito sa nag-iwan ng damyos sa mga pananim at imprastraktura ng mahigit P1 bilyon.
Base kasi sa panuntuna ng PAG-ASA na hindi na nila inuulit at tinatanggal ang pangalan ng bagyo kapag ito ay nag-iwan ng 300 katao ang nasawi at kapag may damyos na sa agrikultura at imprastraktura na aabot sa P1-B.
Magugunitang naging tropical depression mula sa low pressure area ang bagyo sa karagatang bahagi ng Mindano noong Mayo 24.
Nag-landfall pa ito ng siyam na beses sa bahagi ng Visayas at Southern Luzon at nakalabas na ng Philippine Area of responsibility noong Mayo 29.
Ito na ang una at huling magagamint ang pangalang Aghon matapos na palitan ang pangalang Ambo na niretiro na rin noong Mayo 2020 matapos na nag-iwan ng damyos sa P1.5-B.