-- Advertisements --

Nakatakdang mag-landfall sa eastern Australia ang bagyong Alfred.

Ayon sa Bureau of Meteorology , na kanilang nai-downgrade ito sa tropical low na mayroong dalang lakas ng hangin na 85 kilometer per hour.

Ganun pa man ay ilang libong katao sa lugar ng Bribie Island at Maroochydore ang inilikas.

Binalaan ng mga otoridad ang publiko na manatili sa loob ng kanilang bahay.

Kanilang aarestuhin at pagmumultahin ang sinumang magtutungo sa mga karagatan.

Nagdulot na ng malalakas na pag-ulan sa Queensland at northern New South Wales ang nasabing bagyo.

Naglagay na rin ng mga sandbags ang mga residente para hindi mapasok ng tubig baha ang kanilang mga kabahayan.