-- Advertisements --
![image 140](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/04/image-140.png)
Humina na bilang isang low pressure area (LPA) na lamang ang dating bagyong Amang na nanalasa sa Bicol region.
Nabawasan ang lakas nito habang nasa may coastal waters ng Polillo, Quezon.
Sa kabila nito, maaari pa ring maghatid ng mga pag-ulan ang naturang namumuong sama ng panahon.
Kabilang sa mga lantad sa pag-ulan ang lalawigan ng Rizal at Quezon.
Hindi rin inaalis ng mga eksperto ang posibilidad na magdulot pa ito ng pagguho ng lupa sa ilang lugar na apektado nito.