BUTUAN CITY – Kinumpirma ni weather forecaster Heart Cepriano ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Butuan na malaki ang posibilidad na magla-landfall sa Caraga Region ngayong Sabado ng gabi o kaya’y sa Linggo ng umaga ang bagyong Auring.
Ito’y matapos itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga kungaan ito ang pinaka-unang bagyo ngayong taong 2021 na namataan sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Cepriano na malawak ang ulan na dala ng bagyo kung kaya’t bago ito magla-landfall ay posibleng magdadala pa ito ng mga pag-ulansa Caraga Region.
Dahil dito’y binabalaan ng opisyal ang mga taong nakatira sa mga landlides at mga flash floods-prone areas na lumikas na sa mga ligtas na lugar.
Pinayuhan din nito ang mga mangingisda na iwasan munang magpalaot at yaong mga naka-alis na ay kanilang pinapabalik upang matiyak ang kanilang kaligtasan.