-- Advertisements --
Patuloy na humihina ang bagyong Betty, na ngayon ay nasa severe tropical storm category na lamang.
Huli itong namataan sa layong 570 km sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 10 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.
Inaasahang mamayang gabi ay nasa labas na ito ng Philippine territory.