-- Advertisements --

Lalabas na agad sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Caloy.

Ito ay ilang oras lamang matapos na mabuo bilang ikatlong bagyo para sa taong 2022, mula sa pagiging low pressure area (LPA).

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 395 km sa kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Tinatahak nito ang pakanlurang direksyon sa napakabagal na pag-usad.