-- Advertisements --
Tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area sa loob ng Philippine area of rResponsibility (PAR) at binigyan ito ng local name na “Chedeng.”
Huli itong namataan sa layong 1,170 km sa silangan timog silangan ng Luzon na may maximum sustained winds na 45 kph malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 55 kph.
Tinatayang unti-unti itong bibilis sa mga susunod na araw, bago liliko pakanluran hilagang kanluran.
Sa buong panahon ng pananatili nito sa Philippine territory, mananatiling malayo ito sa kalupaan ng Pilipinas.
Hindi direktang magdadala ng malakas na pag-ulan sa alinmang bahagi ng bansa sa susunod na mga araw ang naturang sama ng panahon.