-- Advertisements --

Nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Dindo na may international name na Jongdari.

Ang international name na Jongdari ay pangalan ng ibon na kontribusyon ng bansang South Korea.

Nabatid na lumakas pa ito sa nakalipas na magdamag kaya nasa kategorya na bilang tropical storm.

May lakas ito ng hangin na 65 kph at pagbugsong 80 kph.

Sa ngayon, wala itong direktang epekto sa Pilipinas ngunit maaaring humatak sa hanging habagat.

Ang bagyong Dindo ang ikaapat na sama ng panahon ngayong 2024.