-- Advertisements --

Nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Domeng na may international name na Aere.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 955 km sa hilagang silangan ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 Kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Samantala ang Typhoon Chaba naman na dating bagyong Caloy ay nakakaapekto na sa China.

Huli itong namataan sa layong 1,120 KM sa kanluran ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 Kph at may pagbugsong 160 Kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 Kph.