-- Advertisements --
EGAY

Ganap nang naging Super Typhoon ang bagyong si Egay kaninang pasado alas 8 ng umaga habang patuloy itong kumikilos sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa latest monitoring ng Bombo Weather Center, babaybayin ng naturang bagyo ang direksyong patungo sa may bahagi ng  Northern Luzon.

Maaari nitong tumbukin ang Babuyan Islands at itong   Northeastern mainland Cagayan mamayang gabi o  bukas ng hapon.

Dahil nasa Super Typhoon category na nga itong  si Egay ay maaari ng umabot sa signal no. 5 ang Tropical Cyclone Wind Signal warning na ibabandera sa ilang mga lugar sa Hilagang bahagi ng Luzon.

Batay sa data ng Bombo Weather Center, huling namataan ang mata o itong centro ng Super Typhoon  Egay sa layong 270 km East ng Tuguegarao City, sa probinsya ng Cagayan .

Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 km/ h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 230  km/h

Patuloy na kumikilos ang naturang sama ng panahon pa hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Wind Signal # 4 ang northeastern portion ng mainland Cagayan partikular na itong Sta. Anna.

Inaasahan na magdadala ito ng mga malalakas na hangin at mga pag-ulan sa nasabing lugar na maaaring makasira sa mga ari-arian at magdulot ng malaking pinsala sa agrikultura.

Tropical Cyclone Wind Signal no.3 naman ang naka-bandera sa Babuyan Islands, northern at eastern portions ng  mainland Cagayan , northeastern portion ng  Isabela , at northern portion ng Apayao.

Kaugnay nito ,  ay nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal no2. ang   Batanes, natitirang bahagi ng  mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino,  northern portion ng Nueva Vizcaya , natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao,  northern portion ng Benguet,  Ilocos Norte, Ilocos Sur, at northern at central portion ng Aurora.

Umiiral pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Luzon kabilang na ang La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Benguet, Nueva Vizcaya at Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, northern portion ng  Masbate at ang   Burias at Ticao Islands

Pinapaytuhan natin ang lahat lalong na yuong mga lugar na nasa ilalim ng Signal no.4 at 3 na maingat at maging handa dahil sila ang makararanas ng hagupit at bagsik ng super typhoon na si Egay.

Inaabisuhan  rin ang lahat na ugaliing makinig sa mga balita lalong lalo na sa Bombo Radyo Philippines para laging updated sa kalagayan ng panahon.
Yan muna ang aking update tungkol sa sama ng panahon.