-- Advertisements --

Bumilis pa ang kilos ng bagyong “Emong” sa Northwestward.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa 620 km. Northeast ng Catarman, Northern Samar o 785 km. East ng Casiguran, Aurora.

Mayroong lakas na hangin ito na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Batanes, Santa Ana at Gonzaga sa Cagayan.

Inaasahan naman na makakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong “Emong” sa umaga ng Martes Hulyo 6.