Bumilis ang pagkilos ng bagyong “Enteng” habang ito ay patungo West Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa karagatang bahagi nt Paoay, Ilocos Norte.
May taglay pa rin ito na hangin ng aabot sa 75 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 125 kph.
Aabot naman sa 25 kph ang bilis ng paggalaw nito patungong hilagangtimog na bahagi ng bansa.
Nananatiling nakataas pa rin ang signal number 2 sa mga sumusunod na lugar: Ilocos Norte, t Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Bantay, Santa, Caoayan), Apayao, Abra, Kalinga, Mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Pamplona, Alcala, Amulung, Buguey, Solana, Rizal, Claveria, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes) kabilang ang Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., at Fuga Is.)
Habang nasa signal number 1 ang mga lugar ng: natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union (Luna, Santol, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan), Mountain Province, Ifugao, Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay), Batanes, natitirang bahagi ng Mainland Cagayan, ,Babuyan Islands, Isabela, Nueva Vizcaya (Bayombong, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Diadi, Quezon, Solano), Quirino (Aglipay, Saguday, Diffun, Cabarroguis).
Inaasahang tuluyan ng hihina ang bagyo sa gabi ng Martes o hanggang umaga ng Miyerkules.