-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Enteng ang lakas nito habang nasa karagatang bahagi na ng West Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa may 210 kilometers West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.
Mayroong taglay na lakas ng hangin na 95 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 115kph.
Nakataas ang Typhoon signal number 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union (Luna, Santol, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan, City of San Fernando), at Abra.
Inaasahan na tuluyang makakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Enteng bukas ng umaga.