-- Advertisements --

Hindi inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Fabian na nakapasok na sa Philippine area of responsibility.

Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) , napanatili ng bagyo ang lakas nito habang kumikilos pa-hilaga hilagangkanluran sa karagatan ng “extreme” Northern Luzon.

Taglay nito ang hangin sa bilis na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at bugsong 70 kilometro bawat oras.

Pero ayon sa PAGASA, palalakasin ng Bagyong Fabian ang southwest monsoon o habagat na siyang magpapaulan sa Palawan at Occidental Mindoro.