-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakatulong sa mga residente ang halos tatlong araw na pag-ulan dala ng pinaigting na hanging habagat dahil sa Bagyong Falcon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Michelle Mantangog ng Virac Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sinabi nitong problema umano ng kanilang lugar ang kakulangan sa supply ng tubig.

Dahil sa tag-tuyot noong summer season, natuyo rin aniya ang ilan sa mga bukal kaya’t wala nang water source ang ilang barangay.

Subalit sa nararanasan umanong pag-ulan, muli na naman na nagkaroon ng tubig ang mga sakahan habang nakakapag-imbak na ng magagamit ang mga residente.

Kaugnay nito, wala pa naman na naiulat na insidente ng pagbaha o landslide sa lugar, habang wala ring pasok na nasuspinde.