Lumakas pa ang Tropical Depression Florita at naging Tropical Storm na.
Ayon sa Pagasa, taglay ngayon ng naturang bagyo ang maximum sustained winds na 75 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 90 kph.
Kumikilos ito sa direksiyong kanluran timog-kanluran sa bilis na 15 kph.
Sa ngayon, nakataaks na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa eastern portion ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana), eastern at central portions ng Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue) ang extreme northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran) at northeastern portion ng Quirino (Maddela)
Nakataaks naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela at Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern at central portions ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis) at northern portion ng Polillo Island (Panukulan, Burdeos)
Dahil sa bagyo, mararanasan ngayon ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.
Bukas, asahan naman ang malakas hanggang sa intense at minsan naman ay torrential rains sa Cagayan, Isabela, Batanes, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region.
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa northern portion ng Aurora, Zambales, Bataan at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.