Nag-iwan ng malaking pinsala ang bagyong Gaemi sa iba’t ibang sektor sa Taiwan, kasabay ng naging pananalasa nito.
Batay sa pinakahuling report na inilabas ng pamahalaan ng Taiwan, isang barko ang lumubog sa kasagsagan ng pagbaha dulot ng malawakang pag-ulan at malalakas na paghangin.
Ang naturang barko ay isang Tanzania-flagged freighter na mayroong siyam na Myanmar nationals.
Lumubog ito habang nasa karagatang sakop ng Kaohshiung City.
Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap dito, kasama ang mga nakasakay na crew matapos umanong hindi tumugon ang mga crew sa ginawang communication effort ng mga otoridad.
Sa kasalukuyan ay nananatili sa dalawa ang bilang ng mga namatay dahil sa epekto ng bagyo habang umabot na rin sa 266 ang bilang ng mga nasugatan. Gayunpaman, isang mortality ang patuloy ding kinukumpirma dahil sa epekto ng bagyo.
Ayon sa mga otoridad, libo-libong mga kabahayan ang nawalan ng power supply.