Nag-landfall na ang bagyong Gener sa Palanan, Isabela.
Ayon sa PAGASA, kaninang alas-2 ng umaga nitong Martes ng mag-landfall na ito at nasa bisinidad na ito ng Cauayan City, Isabela.
Nananatiling nasa signal number 1 ang mga lugar ng : Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Baliuag, San Rafael), Pampanga (Porac, Angeles City, Magalang, Arayat, Mabalacat City, Floridablanca, Santa Rita, Guagua, Bacolor, City of San Fernando, Mexico, Santa Ana, Candaba, San Luis, San Simon, Santo Tomas, Apalit, Minalin), Aurora, Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands.
Nagbabala pa ang PAGASA ng malalakas na pag-ulan sa nasabing mga lugar dahil sa pinaigting ng bagyong Gener ang Southwest Monsoon at ang Tropical Storm Pulasan na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
May taglay pa rin ito ng lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 70kph.
Asahan na babaybayin ng bagyong Gener ang mga karagatan sakop ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ngayong umaga ng Martes.
Maaring makalabas na rin sa PAR si Gener sa gabi ng Martes o madaling araw ng Miyierkules.