Patuloy na makaka apekto sa ating lagay ng panahon ang tatlong weather system na namataan sa loob at labas ng Philippine Area of Resposibility.
Madadala ng mga pag-ulan ang bagyong Gener sa malaking bahagi ng Luzon,
Inaasahang maglalandfall ito mamayang gabi sa lalawigan ng Isabela o Aurora depende kung magbabago ang tinatahak nitong direksyon.
Batay data ng Bombo Weather Center, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 290 km East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Ito ay may lakas ng hangin na pumapalo sa 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na pumapalo sa 70 km/h.
Kumikilos ito pa Northwestward sa bilis na 10 km/h.
Dahil sa naturang sama ng panahon, nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa Luzon.
Kabilang na ang Cagayan at Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, at northern portion ng Quezon
Asahan na ang malalakas na buhos ng ulan at hampas ng hangin na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, patuloy naman nating minomonitor ang bagyong may international name na Pulasan na nasa labas pa rin ng PAR.
Wala itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa at tatahakin lamang nito ang naging direksyon ng bagyong Ferdie.
Sounthwest moonson o hanging habagat na pinalalakas ng dalawang bagyo ang makaka apekto sa ilang lugar sa kanlurang bahagi ng Luzon , Visayas at Mindanao na magdadala ng mga panaka-nakang pag-ulan maging dito sa Metro Manila.