Bahagyang lumakas ang bagyong si Goring habang patuloy na kumikilos pa Kanluran , Hilagang -Kanluran sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Batay sa satellite image na inyong nakikita ay malawak ang serkulasyon ng naturang bagyo kayat apektado nito ang ilang lugar sa Northern Luzon.
Makapal rin ang mga ulap na dala nito kayat nakararanas ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang malakas na hangin ang ilang lugar sa Luzon.
Sa pinakabagong tracking ng naturang sama ng panahon ay posible nitong tumbukin ang Extreme Northern Luzon partikular na ang probinsya ng Batanes.
Inaasahan rin na tuluyan ng lalabas sa teretoryo ng bansa si Goring sa Huwebes ng umaga.
Samantala, southwest moonsoon o hanging habagat pa rin na lalo pang pinalalakas ni Goring ang nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa Central Luzon, Souherm Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil sa madalas na pag-ulan ay malaki ang posibilidad ng pagbaha at pag-guho ng lupa sa mga low lying at landslide prone areas.
Batay sa data ng Bombo Weather Center, kumikilos si Goring pa Kanluran , Hilagang -Kanluran sa bilis na 10km/h.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 165km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot na sa 205km/h.
Huling namataan ang sentro ni Goring sa layong 165 km East ng Calayan, Cagayan.
Sa mga sandaling ito ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa coastal waters ng Babuyan Islands habang nakabandera na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No.2 sa northeastern portion ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Batanes,northern portion ng Ilocos Norte at northern portion ng Apayao.
Nakataas pa rin ang northern at eastern portion ng Isabela , nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Cagayan, at Apayao, kabilang rin ang northern portion ng Abra at northern portion of Kalinga.
Asahan ang masama at masungit na panahon sa mga nabanggit na lugar kaya’t pinapayuhan ang LAHAT na mag-ingat at maging handa sa anumang magiging epekto ni Goring sa Buhay at ari-arian.