-- Advertisements --
Goring 1

Ibinaba na sa Typhoon Category ang bagyong si Goring matapos itong humina habang kumikilos ng counter clockwise sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Batay sa kasalukuyang tracking ng naturang sama ng panahon , posible itong muli na maging super typhoon bukas ng hapon.

Sa ngayon , maliit lamang ang tsansa na direkta itong tumama sa kalupaan ng bansa depende na lamang kung magbabago ang kasalukuyang kilos at direksyon nito.

Inaasahan namang lalabas sa Philippine Area of Responsibility si Goring pagsapit ng Biyernes.

Kumikilos ang bagyong si Goring pa Silangan, Timog-Silangan sa bilis na 15 km/h

Ang lakas ng hangin na dala nito ay umaabot sa 175km/h malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 215km/h.

Samantala ang sentro naman ni Goring ay huling namataan sa layong 210km East ng Casiguran, Aurora.

Sa ngayon ay tanging Signal No. 1 na lamang ang nakabandera sa ilang lugar Luzon kabilang na riyan ang Batanes, Babuyan Islands, northern at eastern portions ng mainland Cagayan , eastern portion ng Isabela , northern at central portions ng Aurora, Polillo Islands, northern at eastern portions ng Camarines Norte kabilang na ang Calaguas Islands, northeastern portion ng Camarines Sur , at ang northern portion ng Catanduanes.

Maaari pa ring makaranas ang mga nabanggit na lugar ng malakas na hangin kaya’t pinapayuhan ang LAHAT na mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras.

Southwest Monsoon o hanging habagat na lalo pang pinalalakas ng bagyong Goring ang magdadala ng mga paminsan-minsang pag-ulan sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.