-- Advertisements --
goring new

Lalo pang lumakas ang bagyong Goring kaya iniakyat na ito sa tropical storm category.

Huli itong namataan sa layong 265 km sa silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Samantala, hanging habagat naman ang nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.