Napanatili ng bagyong si Goring ang kanyang lakas habang patuloy itong kumikilos pahilaga sa karagatang sakop ng bansa.
Sa kabila nito ay hindi pa rin nagbabago ang tracking nito at nananatiling counter clockwise ang kanyang paggalaw.
Malawak ang kanyang sirkulasyon at makapal rin ang kaulapang dala ni Goring na magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
Batay sa ipinapakitang tracking ni Goring ay posible nitong tumbukin ang ilang lugar sa may Extreme Northern Luzon partikular na ang Batanes.
Inaasahang lalabas si Goring sa Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Huwebes ng hapon.
Samantala, Southwest Monsoon o hanging habagat pa rin ang nagdudulot ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.
Batay sa datos ng Bombo Weather Center , Kumikilos ang bagyong si Goring pa Hilaga, sa bilis na 15 km/h
Ang lakas ng hangin na dala nito ay umaabot pa rin sa 155km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 190 km/h.
Samantala ang sentro naman ni Goring ay huling namataan sa layong 260 km East of Tuguegarao City, Cagayan.
Nabawasan na rin ang mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 .
Natitira nalang ang Batanes, northern at eastern portion ng mainland Cagayan kabilang na ang Babuyan Island at eastern portion ng Isabela.