Patuloy sa paghina ang Bagyong si Goring na may international name na Saola habang kumikilos ito pa Hilaga, Hilagang- Silangan direksyon sa karagatang sakop ng bansa.
Bagamat humina ang naturang sama ng panahon ay napanatili naman nito ang kanyang bilis.
Hindi rin inaalis ang posibilidad na mag landfall ito sa kalupaan ng Extreme Northern Luzon ,partikular na sa Batanes.
Batay sa pinakabagong tracking ng bagyo , posibleng sa Huwebes palang ng umaga ay tuluyan ng makalabas sa Philippine Area of Responsibility si Goring.
Hindi pa man nakaka alis sa teritoryo ng bansa si Goring ay tuluyan na ring naging bagyo ang Low Pressure Area na huling namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Sakaling pumasok na ito sa teritoryo ng bansa at tatawagin naman itong si Bagyong Hannah.
Batay sa datos ng Bombo Weather Center , Kumikilos ang bagyong si Goring pa Hilaga, Hilagang- Silangan sa bilis na 15 km/h
Ang lakas ng hangin na dala nito ay umaabot na lamang sa 155km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umabot nalang sa 190 km/h.
Samantala ang sentro naman ni Goring ay huling namataan sa layong 245 km East Northeast ng Casiguran, Aurora
Nakabandera pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, northern at eastern portions ng mainland Cagayan , eastern portion ng Isabela , northern at central portions ng Aurora , Polillo Islands, northern at eastern portions ng Camarines Norte kabilang na ang Calaguas Islands, northeastern portion ng Camarines Sur , at northern portion of Catanduanes .
Southwest Monsoon o hanging habagat pa rin ang magdadala ng mga paminsan-minsang pag-ulan sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong si Goring at ng umiiral na habagat ay posible itong magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa kaya pinapayuhan natin ang lahat na maging maingat at maging handa.