-- Advertisements --
Bahagyang lumakas ang binabantayang si Bagyong Hanna habang kumikilos ito papalapit sa baybayin ng Southern Taiwan.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 215 km, hilaga, hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
May taglay ito na lakas ng hangin na aabot sa 150 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kph.
Kumikilos naman pakanluran si bagyong Hanna sa bilis na 20 kph.
Posible namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility si bagyong Hanna mamayang gabi o bukas ng madaling araw.