Lalo pang lumakas ang bagyong si Hanna habang patuloy itong kumikilos ng mabilis sa Kanluran , Hilagang- Kanlurang bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas.
Batay sa kasalukuyang tracking ni Hanna ay posible nitong direktang tumbukin ang kalupan ng Taiwan.
Bukod dito ay lumawak rin ang sirkulasyon ng naturang sama ng panahon maging ang kanyang mga kaulapang dala.
Dahil dito ay apektado na ang ilang lugar sa Extreme Northern Luzon partikular na ang probinsya ng Batanes .
Inaasahan naman na tuluyang lalabas sa Philippine Area of Responsibility si Hanna pagsapit ng Lunes ng gabi sa susunod na Linggo.
Samantala, magpapatuloy pa rin ang masamang panahon sa ilang lugar sa bansa dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o hanging habagat na lalo pang pinalalakas ng mga bagyong nakapalibot sa bansa.
Batay sa kasalukuyang data ng Bombo Weather Center, huling namataan ang sentro o mata ng bagyong si Hanna sa layong 375 km East Northeast ng Itbayat, Batanes.
Ang lakas ng hangin na dala nito ay umaabot na sa 140km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot na sa 170km/h.
Kumikilos pa rin ang naturang sama ng panahon sa bilis na 20km/h.
Sa ngayon, nakabandera pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1. sa probinsya ng Batanes.
Ngayong gabi at bukas ay asahan na ang malakas na ulan at hangin sa Batanes dahil sa umiiral ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa probinsya.
Marakakanas naman ng monsoon rains ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro at occasional rains naman Metro Manila, Abra, Apayao, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, at Batangas dahil sa Southwest Monsoon o habagat.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa Antique , nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON,MIMAROPA at nalalabing bahagi ng bansa dahil pa rin sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorm.
Samantala, dahil sa mga pag-ulan na nararanasan ay posible pa rin ang mga pagbaha at pagguho ng lupa kaya’t pinapayuhan natin ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras at panahon
Yan muna ang aking latest update tungkol sa lagay ng panahon ngayon araw.