-- Advertisements --

Nakalabas na Philippine Area of Responsibility ang bagyong Helen.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration’s (Pagasa) dakong ala-5 ng hapon ng tuluyang nakalabas sa PAR ang nasabing bagyo.

Sa pagtaya ng PAGASA na nasa 930 kilometer ng east northeast sa dulong bahagi ng Northern Luzon.

May taglay pa rin ito na lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at may pagbugso ng hanggang 105 kph.

Kahit nakalabas na sa PAR ang bagyo ay magdudulot pa rin ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.