-- Advertisements --
Bumagal ang paggalaw ng bagyong Henry habang tinatahak nito ang karagatang bahagi ng silangang Batanes.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 380 kilometers ng silangan ng Itbayat, Batanes.
Nananatili lakas nitong hangin na 185 kph at pagbugso ng 230 kph.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal 1 sa Batanes at northern portion ng Babuyan Islands.
Makakaranas pa rin ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang mga bahagi ng Batanes at Babuyan Islands.
Inaasahan sa araw pa ng Linggo posibleng makalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing bagyo.