-- Advertisements --
Pagasa Ineng

Lumakas pa ang bagyong Ineng na sa ngayon ay nasa karagatan.

Ayon kay Pagasa weather specialist Gener Quitlong, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 105 kilometro sa silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na 100 kph malapit sa gitna at merong pagbugso naman na umaabot na sa 155 kph o nasa severe storm category.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Nakataas pa rin ang tropical storm tropical cyclone wind signal number two sa Batanes at Babuyan group of islands.

Habang signal number one naman ang umiiral sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Inaasahan namang lalabas ito sa Philippine area of responsibility mamayang gabi o bukas, araw ng Linggo.

“Areas under Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS), especially those under higher TCWS, are warned against strong winds associated with STS “INENG”. “INENG” is expected to exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) today between late afternoon and early evening,” bahagi ng Pagasa advisory. “Sea travel is risky over the seaboards of areas under TCWS, the seaboards of Luzon, and the eastern seaboard of Visayas due to potentially rough sea conditions.”

Samantala, ang isa pang binabantayang sama ng panahon kagabi ay naging isa nang low pressure area (LPA).

Kapag naging ganap na bagyo ito ay tatawaging “Jenny.”