-- Advertisements --
weather update

Bahagya pang lumakas ang binabantayang si bagyong Jenny habang nasa Philippine Sea.

Huling namataan si Jenny sa layong 835km, silangan ng Central Luzon. Ito ay may lakas na hangin na aabot sa 85 kph malapait sa gitna at pabugsong aabot sa 105 kph.

Kumikilos naman ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal saan mang bahagi ng bansa.

Ang mga pag-ulan na dala ni bagyong Jenny ay inaasahan sa Octubre 4, araw ng Miyerkules o Octubre 5, araw ng Huwebes kung saan makararanas ng malalakas na pag-ulan ang Batanes, Babuyan Islands, at northern portion ng Mainland Cagayan