Lalo pang bumagal ang bagyong si Jenny habang patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa karagatang sakop ng bansa.
Bagamat bumagal ang naturang sama ng panahon ay napanatili nito ang kanyang lakas.
Mananatili rin ito sa kanyang tinatahak na direksyon hanggang sa Lunes sa susunod na Linggo.
Hanggang sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa ngunit nagpapaulan na ang extension nito sa Eastern portion ng Southern Luzon at Visayas.
Posibleng umakyat pa sa Severe Tropical Storm category ang naturang sama ng panahon bukas at Typhoon category naman pagsapit ng Lunes o Martes next week.
Hindi rin natin inaalis ang posibilidad na tumbukin nito ang Extreme Northern Luzon at mag landfall sa Batanes at Babuyan Islands.
Samantala, palalakasin ni Jenny ang SouthWest Monsoon o hanging habagat na magiging sanhi naman ng mga paminsan-minsang pag-ulan sa western portion ng Southern Luzon at Visayas bukas.
Sa ngayong ay wala pang Tropical Cyclone Wind signal ang nakataas sa bansa at posible itong itaas sa mga lugar na sakop ng Extreme Northern Luzon bukas o sa Lunes.
Batay sa kasalukuyang data ng Bombo Weather Station, huling namataan ang sentro o mata ng bagyong Jenny sa layong 995 km East ng Central Luzon.
Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 10 km/h.
Napanatili naman ng naturang bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 65km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 80km/h.
Asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Isabela, Aurora, Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas dahil sa extension ng bagyo.
Southwest monsoon o hanging habagat naman ang magiging sanhi ng parehong lagay ng panahon sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, at nalalabing bahagi ng Visayas.
Maging dito sa Metro Manila at natitirang parte ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa extension ng bagyong si Jenny at localized thunderstorm.