-- Advertisements --
DOST JENNY
TD Jenny / Pagasa image

Mas lumakas pa ang tropical depression Jenny habang binabagtas nito ang kanlurang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 530 km silangang ng Virac, Catanduanes.

May dalang hangin ito ng hanggang 55 km/hour at pagbugso ng 70 kilometer per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet , Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, northern portion of Zambales, northern portion of Quezon including Polillo Islands, Catanduanes.

Inaasahan na makakalabas ang bagyo, gabi ng Miyerkules o hanggang umaga ng Huwebes.