Ganap nang naging bagyo ang Low Pressure Area na ating binabantayan sa mga nakalipas na araw at ito nga ay pumasok na rin sa Philippine Area of Responsibility.
Ito ang pang sampung bagyo na bumisita sa teritoryo ng bansa ngayong taon at pinangalanan itong bagyong Jenny.
Sa ngayon ay wala pang derektang epekto sa alin mang bahagi ng kalupaang sakop ng Pilipinas si Jenny bagamat ang extension nito ay inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Si JENNY ay tinatayang patuloy na lalakas at maaaring umabot sa kategoryang tropikal storm bukas ng hapon.
Maaari naman itong umakyat pa sa Typhoon Category sa Miyerkules sa susunod na linggo habang papalapit ito sa may area ng Batanes.
Samantala,Southwest Monsoon o hanging habagat naman ang patuloy na nakakaapekto sa western sections ng Southern Luzon.
Palalakasin naman ng bagyong Jenny ang Hanging habagat pagsapit ng Linggo na magreresulta sa pagkakaroon ng occasional rains sa western portions ng Central at Southern Luzon.
Batay sa data ng Bombo Weather Center huling namataan ang bagyong si Jenny sa layong 1,400 km East ng Southeastern Luzon
Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umabot sa 55km/h.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon pa kanluran sa bilis na 20km/h
Makararanas pa rin ng Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga Region dahil sa Extension ng Tropical Depression Jenny.
Parehong lagay rin ng panahon ang mararanasan dito sa Metro Manila ,MIMAROPA, CALABARZON, Western at Central Visayas, pati na ang nalalabing bahagi ng Mindanao sanhi naman ng umiiral na Southwest Monsoon o hanging habagat.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral naman sa natitirang bahagi ng Luzon dulot ng extension ni bagyong Jenny at ng localized thunderstorm.
Dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyo ay hindi natin inaalis ang posibilidad na maging sanhi ito ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Mas makabubuti pa rin na manatiling handa sa lahat ng oras.